Official posters ng tatlong pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, inilabas na

By Jimmy Tamayo July 05, 2019 - 12:06 PM

Isinapubliko na ang tatlong pelikulang pasok na sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa kanilang Facebook account, ibinahagi ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang official posters ng tatlong pelikula.

Kinabibilangan ito ng The Panti Sisters ng The IdeaFirst Company sa direksyon ni Jun Robles Lana; Cuddle Weather ni Rod Marmol ng Project 8 production at ang L-S-S sa direksyon ni Jade Castro.

Walo ang pelikulang kalahok para sa PPP bagamat ang nasabing mga pelikula pa lamang ang kumpirmadong kasama sa festival.

Ang kumpletong listahan ay nakatakdang ilabas sa July 11.

Ang PPP ay gagawin sa September 13-19 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa kasabay ng selebrasyon ng Sandaan o 100 years ng Philippine cinema.

TAGS: Pista ng Pelikulang Pilipino, PPP, Radyo Inquirer, Pista ng Pelikulang Pilipino, PPP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.