‘Impeach Duterte’ panawagan ng grupo ng mga mangingisda
Nagkasa ang grupong Pamalakaya ang isang kilos protesta sa Mendiola Bridge bilang suporta sa mga balakin na sampahan ng impeachment complaint si Pangulong Duterte.
Nagtipun-tipon sa tapat ng FEU sa Morayta ang grupo at saka nagmartsa patungo sa Mendiola Bridge.
Sinabi ni Fernando Hicap, ang national chairman ng Pamalakaya, inilagay ni Pangulong Duterte sa alanganin ang karapatan ng mga mangingisdang Filipino gayundin ang mga yaman dagat sa West Philippine Sea.
Pagdidiin ni Hicap hindi sila masisindak sa banta ng pangulo na aarestuhin ang mga maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya.
Aniya si Pangulong Duterte ang dapat na arestuhin dahil sa paglabag sa Konstitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.