Mga programa para sa masa gustong paimbestigahan ni Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio July 05, 2019 - 09:45 AM

Naghain ng resolusyon si Senator Imee Marcos para maimbestigahan ang lahat ng mga programa para sa mga mahihirap.

Ipinagtataka ni Marcos ang pagiging kulelat ng Pilipinas sa mga katabing bansa gayung mataas ang ating growth rate.

Dagdag pa nito sa kabila ng bilyun-bilyong pisong ibinubuhos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps walang pagbabago sa buhay ng mga mahihirap sa bansa.

Sinabi pa nito kapag nagawa lang na mabura ang kahirapan sa Mindanao, 40 porsiyento ang mawawala sa bilang ng mga mahihirap na Filipino.

Kayat nais ni Marcos na masuri ang mga umiiral na programa para sa masa at mabusisi ang tunay na mga datos ukol sa kahirapan.

Pagdidiin nito napakahalaga ng tunay na mga datos para sa mga programa na layon mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.

TAGS: 4Ps, Imee Marcos, Senate, 4Ps, Imee Marcos, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.