P6.8M halaga ng shabu nasamsam sa Cavite
Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – NCR at PDEA CALABARZON Huwebes ng gabi ang aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang big-time drug suspects sa Bacoor, Cavite.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas ‘Ato’ at alyas ‘Mohammad’.
Ayon kay PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) Director Levi Ortiz, naaresto ang mga suspek habang nasa isang mall.
Gumamit ang mga ito ng mamahaling mga sasakyan sa kanilang transaksyon.
Ayon kay Ortiz, isang Ford Everest ang ginamit ng mga suspek sa pakikipagkita sa poseur buyer.
Pagkatapos makuha ang pera ay nagpalit sila ng sasakyan at ibinigay ang shabu.
Nalaman ng PDEA na isang Chinese syndicate na nakakulong ngayon sa National Bilibid Prison ang pinagkukunan ng dalawa ng droga.
Pinabulaanan naman ng mga nahuling suspek na sangkot sila sa pagbebenta ng bawal na gamot at iginiit na napag-utusan lamang sila ng isang alyas ‘Butch’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.