Selos, tinitingnang anggulo sa pagpatay ng gwardya sa Grade 7 student sa Laguna

By Clarize Austria July 04, 2019 - 10:10 PM

Credit: Calamba Police

Pagseselos ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril sa isang grade 7 student sa Castor Alviar National High School sa Calamba City, Laguna Huwebes ng tanghali.

Kinilala ni Lieutenant Coronel Jacinto Malinao, hepe ng Calamba Police ang suspek na si Renan Estrope Valderama alyas Renz Ivan, nasa 30-35 anyos, security guard sa isang spa.

Ayon sa ulat, inabangan ng suspek sa loob ng silid-aralan ang 15 anyos na biktima na si Mark Anthony at saka ito binaril.

Credit: Calamba Police

Pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima na isinugod sa HealthServ Medical Center sa Los Baños binawian ng buhay bandang hapon.

Batay sa imbestigasyon, inaalagaan umano ng suspek ang biktima matapos makulong ang nanay nito dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Itinuturing na crime of passion ang pamamaril dahil sa umanoy ugnayan ng suspek sa estudyante.

Nabatid din na nagsampa ng kasong sexual harassment ang biktima laban sa suspek.

Tinutugis na ng mga otoridad ang gwardya na tumakas matapos barilin ang binatilyo.

 

TAGS: Castor Alviar National High School, crime of passion, Grade 7 student, gwardya, laguna, Mark Anthony, patay sa pamamaril, selos, Castor Alviar National High School, crime of passion, Grade 7 student, gwardya, laguna, Mark Anthony, patay sa pamamaril, selos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.