Death penalty para mga drug traffickers ipinamamadali ng PDEA

By Angellic Jordan July 04, 2019 - 04:28 PM

Inquirer file photo

Pabor si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino na maibalik ang death penalty sa bansa.

Ayon kay Aquino, nais niyang maibalik ang parusang kamatayan para sa mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.

Sinabi pa nito na patuloy ang ilegal na transaksyon ng mga international drug syndicate dahil walang parusang bitay sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Kasunod nito, umaasa si Aquino na maisasabatas ang panukala sa bansa.

Nauna nang sinabi ng ilang mga senador na isusulong nila sa pagbubukas ng kanilang sesyon ang muling pagbabalik ng parusang bitay para sa mga krimen na may kaugnayan sa illegal drugs.

TAGS: aaron aquino, Congress, illegal drug trade, PDEA, aaron aquino, Congress, illegal drug trade, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.