Mga inabandonang bata gustong mabigyan ni Sen. Lito Lapid ng natural-born status

By Jan Escosio July 04, 2019 - 07:56 AM

Inquirer File Photo
Binuhay ni Senator Manuel Lapid ang kanyang dating panukala na kilalanin at mabigyan ng ‘natural-born status’ ang lahat ng mga foundling.

Sa kanyang Senate Bill 56 o ang Foundling Recognition Act, sinabi ni Lapid na sasakupin din nito ang mga inabandonang bata na walang kinikilalang magulang.

Una nang inihirit ni Lapid ang panukala noong 2015 at ngayon 18th Congress ay kasama ito sa unang 10 panukala na kanyang inihain.

Dagdag paliwanag ng nagbabalik na senador, sa kanyang panukala ang natagpuang bata ay ituturing ng anak ng unang nakakita sa kanya.

Sa ngayon, ang citizenship ng sinoman natagpuang bata ay nakabitin hanggang sila ay inampon o naging naturalized base sa batas kayat wala silang mga karapatan sa ilalim ng Civil Code, Family Code at iba pang mga batas.

TAGS: foundling recognition act, Lito Lapid, senate bill 56, foundling recognition act, Lito Lapid, senate bill 56

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.