Matapos masawi ang isang menor de edad sa buy bust sa Rizal, hepe ng pulisya at 19 na iba pa sinibak

By Dona Dominguez-Cargullo July 04, 2019 - 06:29 AM

Sinibak sa pwesto ang chief of police sa Rodriguez, Rizal at 19 na Police Non-Commissioned Officers matapos na masawi sa buy-bust operation ang isang tatlong taong gulang na batang babae.

Inilipat muna ang mga pulis sa administrative office and holding unit sa Rizal Provincial Police Office.

Ayon kay Calabarzon Police Regional Director Edward Carranza, lahat ng pulis na naroroon nang mangyari ang buy-bust ay inatasan na ring isuko ang kanilang mga armas.

Isasailalim ito sa ballistics test upang matukoy kung kaninong baril nagmula ang bala na tumama sa batang si Kateleen Myca Ulpina.

Nabatid na mayroong 20 na pulis na kasama sa bu-bust operation kabilang ang 14 mula sa Rodriguez Rizal Police Office at 6 mula sa Provincial Intelligence Branch ng Rizal.

Ayon kay Caranza, ang Calabarzon Regional Investigation and Detective Management Division ang mangunguna sa imbestigasyon.

TAGS: buy bust, PNP, Rodriguez police, Rodriguez Rizal, War on drugs, buy bust, PNP, Rodriguez police, Rodriguez Rizal, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.