WATCH: Total solar eclipse sa Latin America

By Rhommel Balasbas July 04, 2019 - 03:43 AM

@nuevelitoral | Instagram

Napahanga ang libu-libong katao sa Coquimbo, Chile makaraang maobserbahan ang bihirang total solar eclipse.

Ang liwanag ay biglang napalitan ng gabi matapos tapatan ng ‘umbra’ o anino ng buwan ang araw.

Tumagal ang eclipse ng halos tatlong minuto.

Kinailangan ang solar glasses para makita ng publiko ang solar eclipse dahil ang direktang pagtingin sa araw ay nakasisira ng mata.

Namataan ang total solar eclipse sa Coquimbo, Chile at ilang bahagi ng Argentina habang partial eclipse naman sa Peru, Ecuador, Paraguay, Bolivia, Uruguay at mga bahagi ng Colombia, Brazil, Venezuela at Panama.

TAGS: anino ng buwan, astronomical event, Chile, Coquimbo, gabi, Latin America, liwanag, solar glasses, total solar eclipse, umbra, anino ng buwan, astronomical event, Chile, Coquimbo, gabi, Latin America, liwanag, solar glasses, total solar eclipse, umbra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.