Konstitusyon at Fisheries Code ng bansa ipatutupad sa EEZ sa West PH Sea
Hindi nagbabago ang polisiya ng Pilipinas na pag-aari ng bansa ang exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ipatutupad ng bansa ang nakasaad sa konstitusyon at Fisheries Code at igigiit ang exclusive sovereign rights ng bansa.
Patuloy aniyang babantayan at poprotektahan ng mga awtoridad ang EEZ ng Pilipinas.
Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon sila ng verbal agreement ni Chinese President Xi Jinping na papayagan ang China na makapangisda sa EEZ ng Pilipinas.
Kinontra naman ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at iginiit na hindi pinapayagan ng Pilipinas na makapangisda ang China sa EEZ ng bansa sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.