Pagkain sa party ni Marcos panis at kontaminado ayon sa isang doktor
Duda ang mga eksperto na ang packed meal na kinain ng mahigit 200 na Marcos supporters na sumama ang pakiramdam ay hindi maayos ang pagkahanda.
Ayon kay Dr. Primo Valenzuela, panis na ang adobong manok na may itlog nang kainin ito ng mga biktima ng food poisoning.
Bukod sa panis ay maaaring kontaminado ang pagkain dahil umano sa maduming paghanda nito.
Maaari anyang nagkaroon ang mga kumain ng staphylococcus bacteria na mula a kontaminadong pagkain.
Ang epekto anya ng naturang bacteria ay lumalabas ilang minuto hanggang anim na oras matapos makakain ng kontaminadong pagkain.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang kontaminasyon ay maaaring nanggaling sa mga itlog na ayon sa mga kumain ay masama na ang lasa.
Hindi rin inaalis ng kalihim na sira na ang kanin na maaaring kontaminado na rin.
Ang mga biktima ay dumalo sa 90th birthday ni dating First Lady Imelda Marcos sa Ynares Sports Complex sa Pasig City araw ng Miyerkules.
Humingi na ng paumanhin sina Senator Imee Marcos at dating Senador Bongbong Marcos na nagsabing tutulungan nila ang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.