DOTr kay Poe: Hindi lumalala ang MRT 3

By Len Montaño July 04, 2019 - 01:39 AM

Naglinaw ang Department of Transportation (DOTr) sa estado ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos sabihin ni Senator Grace Poe na lumalala ang naturang rail system.

Ayon sa DOTr, hindi totoo na lumalala ang kalagayan ng MRT-3 kumpara sa mga nakalipas na taon.

“First, we would like to clarify, once and for all, that it’s not true that the state of MRT 3 now has deteriorated compared to previous years,” ayon sa DOTr.

Pahayag ito ng ahensya matapos kwestyunin ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, ang anyay lumalalang kundisyon ng MRT-3 sa kabila ng mga repair sa mga pasilidad nito.

“Almost every week, the MRT has some glitch. Why does it seem that the trains getting worse while they are being repaired?” pahayag ng Senadora matapos pababain ang 850 na pasahero Miyerkules ng umaga dahil sa depektibong pinto ng isa sa mga tren.

Itinanggi ito ng DOTr dahil nagkaroon pa umano ng malaking kabawasan sa bilang ng mga insidente ng pagpapababa sa mga pasahero dahil sa aberya sa MRT-3 kumpara  noong nakaraang taon.

Giit ng ahensya, mula January hanggang June 2016 o bago ang administrasyong Duterte, mayroong 333 unloading incidents na naitala sa MRT-3 kumpara sa 14 na insidente na naitala mula January hanggang June 2019.

Nabawasan din umano ang bilang ng aberya mula 31 noong January hanggang June 2016 kumpara sa 12 na naitala mula January hanggang June ngayong taon.

“We cannot immediately fix the problems that have accumulated and have been neglected over the years. Nevertheless, we are taking all the necessary steps so that we could do that as soon as possible.”

Nangako naman ang DOTr na mararamdaman na ng mga pasahero ang mga pagbabago sa MRT-3 sa July 2021.

Kabilang sa mga pagbabago ang dagdag na mga tren sa 20 mula 15; mas mabilis na train speed na 60 kilometers per hour mula sa dating 30 kilometers per hour at mas maikling paghihintay ng mga pasahero sa 3 hanggang 3.5 minuto mula sa dating 7.5 minuto.

TAGS: aberya, dotr, glitch, lumalala, MRT 3, Senator Grace Poe, train speed, tren, aberya, dotr, glitch, lumalala, MRT 3, Senator Grace Poe, train speed, tren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.