PNP iimbestigahan ang pagkamatay ng bata sa buy bust sa Rizal

By Angellic Jordan July 04, 2019 - 12:27 AM

Magsasagawa ang Philippine National Police (PNP) ng imbestigasyon sa pagkamatay ng tatlong taong gulang na babae sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, ‘unfortunate’ ang kinahinatnan ng biktima na nadamay lamang sa operasyon noong araw ng Sabado (June 29).

Hindi pa naman aniya malinaw kung ang pulis o ang target sa operasyon ang reponsable sa pagkamatay ng batang babae.

Matatandaang sinabi ng pulisya na ginamit ng suspek ang kaniyang anak bilang human shield nang sumiklab ang shootout.

Maliban sa batang babae, nasawi rin sa operasyon ang dalawang hinihinalang drug suspect at isang pulis.

 

TAGS: bata, buy bust, human shield, iimbestigahan, PNP, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Rizal, Rodriguez, bata, buy bust, human shield, iimbestigahan, PNP, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Rizal, Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.