DFA: Walang Pilipino na nadamay sa airstrike sa Tripoli
Walang Pilipino na naiulat na namatay o nasugatan sa airstrike sa isang migrant detention center sa Tripoli, Libya.
Ayon kay Elmer Cato, Chargé d’Affaires ng Philippine Embassy sa Tripoli, walang Pinoy na kabilang sa 40 nasawi at 80 nasugatan sa pag-atake.
Gayunman ay hinimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Tripoli na paigtingin ang pagiging alerto at pag-iingat kasunod ng airstrike.
“The DFA echoed the advisory issued by the Philippine Embassy in Tripoli shortly after the incident that took place in Tajoura District, about five kilometers from a hospital compound where around 40 Filipino nurses and their dependents were staying. The detention center, which was located next to a military camp, housed mostly African migrants,” ayon sa pahayag.
Pinaalalahanan din ng embahada ang mga Pinoy na nakatira o nagtatrabaho malapit sa military facilities na mag-ingat at kung maaari ay lumipat sa ibang lugar sa gitna ng anunsyo ng Libyan National Army (LNA) na magsasagawa sila ng marami pang airstrikes laban sa mga target ng militar sa Tripoli.
Ayon sa DFA, nasa 1,000 ang mga Pinoy sa Tripoli at kalapit na mga lugar sa Libya, karamihan sa mga ito ay nurse o hospital workers.
Sinabi naman ni Cato na nag-aalala pa rin sila sa kaligtasan ng mahigit 40 Filipino nurses at engineers na piniling manatili sa lugar kung saan nagkakaroon ng kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.