Sen. Lacson gusto nang isapubliko ang deliberasyon ng national budget

By Jan Escosio July 03, 2019 - 12:37 PM

Ipinanukala ni Senator Panfilo Lacson na magkaroon ng partisipasyon maging ang mga ordinaryong mamamayan sa pagbalangkas sa Kongreso ng pambansang budget.

Sa kanyang Senate Bill 24, sinabi ni Lacson na papayagan ang publiko na personal na mapanood at makibahagi sa talakayan ng mga mambabatas na humihimay ng pambansang pondo, mula sa mga komite hanggang sa bicameral conference committee.

Pagdidiin ng senador panahon na para kilalanin ng Kongreso ang kahalagahan ng direktang partisipasyon ng mamamamayan sa budget deliberations.

Naniniwala din si Lacson na kapag nangyari ang kanyang nais, mahihirapan na ang pagsingit ng pork barrel ng mga mambabatas dahil masusuri na ng publiko ang pambansang pondo.

Nakasaad din sa panukala, na ang mga civil society organizations ay maari din magsumite ng kanilang position papers hinggil sa inihihirit na budget ng mga ahensiya ng gobyerno.

TAGS: national budget, panfilo lacson, Senate, national budget, panfilo lacson, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.