AFP tiniyak na hindi magku-kudeta vs Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2019 - 12:14 PM

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito iku-kudeta ang administrasyong Duterte.

Ayon kay AFP public affairs office chief Colonel Noel Detoyato, walang dahilan para gawin ito ng military at ang tanging layunin nila ay pagserbisyuhan ang sambayanan.

Ani Detoyato, propesyonal ang mga sundalo at nakasentro sa kanilang misyon.

Masaya din aniya ang mga sundalo sa modernization program sa AFP na 100 porsyentong suportado ng gobyerno.

Katunayan ayon kay Detoyato napakalaking bagay ng taas sweldo sa mga sundalo at ibabalik nila ito sa pamamagitan ng paninilbihan sa sambayanan.

Magugunitang sa kaniyang pahayag sa anibersaryo ng Air Force ay sinabihan ng pangulo ang mga sundalo na ‘wag siyang ikukudeta.

 

TAGS: armed forces of the philippines, coup de etat, president duterte, armed forces of the philippines, coup de etat, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.