Mga nakumpiskang video karera machines sa Maynila, winasak ni Mayor Moreno at MPD Dir. Danao

By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2019 - 10:16 AM

 

Gamit ang malalaking maso at martilyo pinangunahan nila Manila Mayor Isko Moreno at Manila Police District chief Brigadier General Vicente Danao Jr. ang pagwasak sa mga nakumpiskang video karera machines.

Inilatag sa Manila City Hall quadrangle ang mga video karera machines na nakumpiska ng MPD sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Moreno siguradong mas marami pang ino-operate na video karera machines sa Maynila kaya magpapatuloy ang kanilang mga operasyon.

Natuklasan din nila ang modus ng mga nagpapatakbo ng video karera na kapag nasasalakay ng mga pulis ay aalisin lamang ang CPU.

Bibili lang muli ng bagong makina at gagamitin muli ang CPU.

Tiniyak din ni Moreno na aalamin ang mga ulat na may mga pulis na protektor o ‘di kaya ay nagmamay-ari ng mga video karera sa Maynila.

TAGS: Manila Mayor Isko Moreno, Manila Police District chief Brigadier General Vicente Danao Jr, video karera machines., Manila Mayor Isko Moreno, Manila Police District chief Brigadier General Vicente Danao Jr, video karera machines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.