P950K ipinataw na multa ng DOLE sa mga lumabag sa Occupational Safety – Sen. Villanueva

By Jan Escosio July 03, 2019 - 08:45 AM

Pinatawan ng Labor Department ng P950,000 penalty ang ilang kompaniya dahil sa paglabag sa Occupational Safety and Health Standards Law.

Ibinahagi ito ni Sen. Joel Villanueva base sa datos mula sa Bureau of Working Conditions.

Aniya, 22,774 establismento sa buong bansa ang binisita ng safety inspectors ng DOLE mula noong Enero hanggang noong nakaraang buwan.

Ayon kay Villanueva dapat ay magsilbing babala na ito sa mga negosyo na binabalewala ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa sa lugar ng kanilang trabaho.

Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Labor at nagtulak sa naturang batas, dapat ay may safety officers para tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa habang sila ay nagta-trabaho.

Pagdidiin ni Villanueva maiiwasan kundi man mababawasa ang mga aksidente sa trabaho kung maayos na naipapatupad ang safety mechanisms.

TAGS: Department of Labor and Employment, occupational safety, Department of Labor and Employment, occupational safety

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.