Patay ang anim na katao habang mahigit 100 ang sugatan sa pagsabog ng isang truck sa Afghan Defense Ministry Compound sa Kabul, Afghanistan.
Pagkatapos sumabog ng truck, limang armadong lalaki na nakapwesto sa mga gusali sa palibot ang pinagbabaril ang mga rescuer na rumesponde.
Ayon sa pahayag ng Taliban, target ng pag-atake ang technical installation ng Defense Ministry.
Mahigit 100 na sugatan ang dinala sa ospital, 41 sa kanila ay pawang mga bata na nasa isang kalapit na eskwelahan.
Nangyari ang pag-atake matapos ang ikapitong round ng peace talks ng US special peace envoy na si Zalmay Khalilzad sa Taliban na ginanap sa Qatar.
Layunin sana ng peace talks na mawakasan na ang 18 taon nang kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.