Nasawi ang isang 21-anyos na lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan, Martes ng gabi.
Ayon kay San Jose Del Monte Police chief Lt. Col. Orlando Castil Jr., kinilala ang suspek na si Archie Chua, isang mekaniko.
Tinangkang tumakas ng suspek matapos ang transaksyon sa Barangay Gumaoc East.
Hinabol ng mga pulis si Chua ngunit nagpaputok ito ng baril dahilan para gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Sangkot din umano ang suspek sa mga insidente ng robbery-holdup sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.