Pangulong Duterte, saludo sa pagprotekta ng PAF sa maritime territory sa West Philippine Sea
“Atin ang Philippine Rise, atin ang Malampaya natural gas plant”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-72 anibersayo ng Philippine Air Force (PAF) sa Villamor Air Base, araw ng Martes (July 2).
Saludo ang pangulo sa PAF sa pagprotekta sa teritoryo, defense, aerial reconnaissance at maritime territory sa West Philippine Sea.
Nagpapasalamat din ang panguo sa pag-protekta sa Malampaya natural gas plant.
Pakiusap ng pangulo sa mga sundalo, pangalagaan ang mga gamit na kanyang binili dahil maaring hindi na maibigay ng susunod na pangulo ang kanilang mga kahilingan.
Tiniyak pa ng pangulo na itutuloy niya ang modernisasyon hindi lamang sa PAF kundi sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nais ng pangulo na kumpleto niyang maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng militar bago pa man matapos ang kanyang termino sa 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.