Makati City muling nakuha ang pinakamataas na audit rating ng COA
Muling nasungkit ng pamahalaang-panlungsod ng Makati ang ‘unmodified opinion’ mula sa Commission on Audit (COA).
Paliwanag ni Mayor Abby Binay nangangahulugan ito na muling maayos ang naging presentasyon ng kanilang financial statement, nangangahulugan na masinop sila sa paggamit ng pondo ng lungsod.
Ang audit rating ay ipinaalam ni COA Dir. Adelina Ancajas noong nakaraang Hunyo 25 at ito ang magkasunod na taon na
nakuha ng Makati City ang pinakamataas na audit rating.
Sinabi pa ng opisyal na patunay ito na bukod sa maayos na pamamahala, napapatunayan din na may ‘transparency’ at ‘accountability’ sa paggamit ng kanilang pondo sa mga programa at proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.