1 arestado, 3 iba pa nakatakas dahil sa pagsusugal sa Makati

By Rose Cabrales July 02, 2019 - 02:35 PM

Naaresto ang isang lalaki habang nakatakas naman ang kaniyang tatlo pang kasamahan matapos mahuli na ginawang taya sa sugal ang hinihinalang ipinagbabawal na gamot sa Guadalupe Viejo sa Makati.

Ayon sa hepe ng Makati police na si Police Col. Rogelio Simon, habang rumo-ronda ang mga pulis sa may Laperal Compound may magsumbong sa kanila na may iligal na sugalan na nagaganap sa isang bahay.

Nang marating ang lugar, dalawang babae at dalawang lalaki ang naaktuhan umano na naglalaro ng Cara y cruz.

Ilang sachet ng hinihinalang droga ang natagpuan sa lugar kung saan na ginamit umanong pang taya sa sugal.

Nang aarestuhin na ang mga suspek, nagsitakbuhan ang mga ito pero nahuli ng mga pulis ang isa sa mga kasamahang lalaki.

3 sachet ng hinihinalang shabu at mga gamit pang sugal ang nakumpiska sa naarestong suspek.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Makati City police station.

TAGS: Makati, Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.