P59M pangsweldo sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority ibibigay na ng DBM
Ilalabas na ng Department of Budget Management (DBM) ang P59 milyong pondo para sa sweldo ng 82 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, natalakay kasi kagabi sa 39th cabinet meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagka-delay ng sweldo ng BTA members.
“The Cabinet also discussed the delay of release of BTA funds because of the reenacted budget. The Department of Budget and Management would be releasing P59 Million for the salary of 82 BTA members for July to December 2019,” ani Panelo.
Nabatid na saklaw ng pondo ang sweldo ng BTA members mula July hanggang December 2019.
Samantala, inabisuhan din ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez ang mga miyembro ng gabinete na umaarangkada na ang normalization program ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) pati ang pagtatalaga ng mga leader at head of ministries ng BTA.
Binabalangkas na rin aniya ang memorandum of agreement sa pagitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Commission on Higher Education para mapaganda ang edukasyon sa rehiyon pati na ang Brigada Eskwela sa Department of Education.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.