Wiretapping law gustong maamyendahan ni Sen. Panfilo Lacson kontra krimen at kudeta
Inihain ni Senator Panfilo Lacson ang Senate Bill 22 para bigyang ngipin ang batas sa wiretapping.
Sa kanyang panukala, nais ni Lacson na makapagsagawa ang awtoridad ng wiretapping operations na awtorisado ng korte laban sa kudeta, sa mga nagbabalak magsagawa ng kudeta, robbery in band, highway robbery, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Anti Money Laundering Act of 2001.
Aniya sa ngayon ang Republic Act 4200 ay higit limang dekada ng ipinatutupad at limitado lang sa ilang paglabag sa mga batas.
Paliwanag pa ng senador, sa kanyang panukala, maaring ipag-utos ng korte ang mga telecommunications o internet service providers na makipagtulungan sa mga alagad ng batas sa pagsasagawa ng wiretapping.
Mapaparusahan naman ang mga lalabag sa batas ng P500,000 hanggang P5 milyon.
Nakasaad din sa batas ang mga pamamaraan mula sa pagbili ng mga kagamitan hanggang sa pagsasagawa ng wiretapping operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.