Kenyan national na miyembro umano ng Al Qaeda arestado sa Zambales
Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Gruop (CIDG) ang isang dayuhan na hinihinalang miyembro ng international terrorist gruop na Al Qaeda.
Ayon kay CIDG director Maj. Gen. Amador Corpus, ang dayuhan ay kinilalang si Cholo Abdi Abdullah isang Kenyan national.
Nadakip si Abdullah sa Iba, Zambales.
Sinabi ni Corpus na taong 2012 pa miyembro ng Al Qaeda si Abdullah.
Nag-enroll umano ito sa isang flying school dito sa Pilipinas para maging piloto.
Nakuha sa suspek ang isang IED, mga sangkap sa paggawa ng bomba, baril at granada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.