Malakanyang tiwalang magagampanan ng maayos ni Honasan ang pagiging DICT chief
Kumpiyansa ang Malakanyang na magagampanan ng maayos ni dating Senador Gringo Honasan ang kanyang tungkulin bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communication and Technology (DICT).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na makatutulong kay Honasan ang napakahabang karanasan bilang senador sa loob ng 21 taon, isang opisyal ng militar sa loob ng 16 na taon at ang pagkakaroon ng Masters Degree in Management para magampanan nito ang pagiging cabinet official
Tiwala din aniya ang palasyo na mapagyayaman pa ni Honasan ang mga nauna ng sinimulan ni dating DICT- OIC Eliseo Rio sa ahensiya gaya ng pagpapahusay sa
e-governance.
Ilan sa mga aatupaging trabaho ni Honasan ang pagkakaroon ng national fiber optic cable network at third major telecommunications player na makapag-ooperate na sa lalong madaling panahon.
November 2018 pa itinalaga ni Pangulong Duterte si Honasan subalit kahapon lamang nanumpa bilang bagong DICT secretary bago nagsimula ang cabinet meeting sa Malakanyang.
Una nang kinuwestyun ang qualification ni Honasan dahil nakasaad sa Republic Act No. 10844 na lumilikha sa DICT na dapat ang uupong kalihim ay mayroong “at least 7 years of competence and expertise sa Information and Communications Technology, Information Technology Service Management, Information Security Management, Cybersecurity, Data Privacy, e-Commerce, o Human Capital Development in the ICT sector.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.