Westmincom: Duterte nais mapulbos ang Abu Sayyaf bago matapos ang taon

By Rhommel Balasbas July 02, 2019 - 04:11 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapulbos ang teroristang Abu Sayyaf Group sa Sulu bago mag-December 31 ayon kay Major Gen. Cirilito Sobejana.

Opisyal nang umupo si Sobejana bilang bagong commander ng Western Mindanao Command kahapon, araw ng Lunes.

Ang pahayag ng military official ay kasunod ng dalawang pag-atake sa Indanan, Sulu na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo at pagkasugat ng 22 iba pa.

Ayon kay Sobejana, posibleng isinabay ng ASG ang pagbomba sa kanyang pag-upo sa pwesto bilang Westmincom commander.

Sa ngayon ay hindi pa anya sigurado ang militar kung suicide bombing nga ang naganap o aksidenteng namatay din ang mga umatake sa kanilang pagpapasabog.

Naniniwala si Sobejana na maaaring nais lamang ng ASG na ipakita na sila ay may pwersa pa rin para magsagawa ng terror attacks.

“I believe it was perpetrated to create the impression that they are still a force to reckon with. In terror attacks you don’t need many fighting men,” ani Sobejana.

 

TAGS: abu sayyaf group, indanan, Major Gen. Cirilito Sobejana, mapulbos, pagsabog, Rodrigo Duterte, Sulu, terror attacks, Western Mindanao Command, abu sayyaf group, indanan, Major Gen. Cirilito Sobejana, mapulbos, pagsabog, Rodrigo Duterte, Sulu, terror attacks, Western Mindanao Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.