BSP: Paglago ng ekonomiya para sa Q2 posibleng nasa 6%
Posibleng umabot sa 6% ang naging paglago ng ekonomiya sa second quarter ng (April-June) ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang mataas na projection ng BSP para sa second quarter ay matapos sumadsad ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa four-year low na 5.6 percent noong first quarter dahil sa pagkakabalam ng 2019 national budget.
Sa sidelines ng 2019 pre-State of the Nation Address (SONA) economic and infrastructure forum araw ng Lunes, sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na mas lumago ang GDP sa second quarter dahil sa mas matatag na consumer at government spending.
“Well government spending is very important. With lower inflation, consumption expenditure will be stronger. And with low inflation and low interest rate, private investment will also be an important driver of economic growth,” ani Guinigundo.
Nagkaroon ng catch up plan para sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng Build Build Build program ang Duterte administration dahil nalagdaan lang ng presidente ang 2019 national budget noong April 15.
Sinabi pa ni Guinigundo na normal pang lalago ang GDP sa ikatlo at ikaapat na kwarter.
Samantala, umaasa si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na papalo lamang ang June inflation sa 2.8 percent.
Mas mababa ang projection ni Pernia sa naitalang inflation rate noong Mayo na 3.2 percent.
Iaanunsyo ng Philippine Statistics Authority ang inflation rate para sa Hunyo sa July 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.