Nakatakdang gumawa ng proyekto sina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa ilalim ng Viva Entertainment.
Inanunsyo ang team-up ng dalawa sa Instagram ng Viva Entertainment kung saan homegrown talent ang aktres.
Pero hind pa malinaw kung ang pagsasamahan nina Nadine at Aga ay para sa isang pelikula.
Sakalang maging film project, hindi ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng mas batang aktres na kapareha ang aktor.
Noong 2018 ay nagsama sina Aga at Bea Alonzo sa pelikulang “First Love.”
Kabilang naman sa iba pang mas batang leading ladies ni Aga sina Kristine Hermosa, Angel Locsin at Anne Curtis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.