Heavy rainfall warning itinaas sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan

By Len Montaño July 01, 2019 - 11:25 PM

Itinaas ng Pagasa ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan alas 11:00 ngayong gabi.

Sa Pagasa Heavy Rainfall Warning No. 6, nasa yellow warning ang Zambales at Bataan.

Ayon sa Pagasa, sa loob ng tatlong oras ay makakaranas ang naturang mga lugar ng mahina hanggang katamtamang pag-uulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa flood-prone areas.

Kabilang sa yellow warning ang Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna at Rizal.

Pinayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na magmonitor ng lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na Pagasa advisory.

Una rito ay sinabi ng Pagasa na naging low pressure area (LPA) na lamang ang dating bagyong Egay.

Patuloy naman na nakakaapekto ang Habagat sa bansa na nagdudulot ng pag-uulan sa Luzon at Visayas.

 

TAGS: flood prone areas, heavy rainfall warning, katamtaman, mahina, Metro Manila, pag-ulan, Pagasa, pagbaha, yellow warning, flood prone areas, heavy rainfall warning, katamtaman, mahina, Metro Manila, pag-ulan, Pagasa, pagbaha, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.