Bagyong Egay halos hindi gumagalaw, inaasahang hihina at magiging LPA na lang sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 11:24 AM

Halos hindi kumikilos ang Tropical Depression Egay na huling namataan ng PAGASA sa 195 kilometers East Northeast ng Aparri, Cagayan o 205 kilometers East ng Calayan, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, almost stationary ang bagyo na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sinabi ng PAGASA na inaasahang hihina at magiging Low Pressure Area na lamang ang bagyo sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.

Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay maghahatid ng light to moderate na kung minsan ay malakas na pag-ulan malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, at sa Western Visayas.

Hanggang bukas, July 2 ay makararanas ng monsoon rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Mindoro Provinces at Palawan.

TAGS: Radyo Inquirer, tropical depression egay, Radyo Inquirer, tropical depression egay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.