2 dayuhan, 3 Pinoy na nawala sa karagatan ng Southern Leyte, nailigtas na
Nailigtas na ng mga otoridad ang limang katao na unang napaulat na nawawala sa karagatan ng Southern Leyte makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka.
Nailigtas sila sa karagatan sa pagitan ng Southern Leyte at Surigao del Norte ng pinagsanib na pwersa ng local disaster officials, Philippine Coast Guard at Philippine National Police.
Ayon sa Hinundayan Police, ang lima ay nakitang palutang-lutang sa Homonhon Island at nakahawak lamang sa kung ano ang mga natirang bahagi ng kanilang bangka.
Unang napaulat na nawawala ang dalawang Australian at tatlong Pinoy matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorbanca.
Kinilala ang ang dalawang Australian na sina Grahame David Hastings, 60, Donald Cox, 60; at ang tatlong Pinoy na sina Jar-ar Aradaza, 19; Serecio Adanza, 40; at Michael Samatina, 33.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.