Mahigit 1 metro nadagdag sa water level ng Angat Dam

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 08:09 AM

Dahil sa naranasang pabugso-bugso at malakas na buhos ng ulan, marami-rami ang nadagdag sa water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, July 1, ay nasa 159.85 meters ang water level ng Angat dam.

Nadagdagan ito ng 1.21 meters kumpara sa 158.64 meters na water level nito kahapon.

Ang Ipo dam naman ay nabawasan ang water level at ngayon ay nasa 100.06 meters.

Habang ang La Mesa dam ay nadagdagan din at ngayon at nasa 71.76 meters na.

Nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat.

Habang nadagdagan naman ang water level ng Binga at Caliraya.

TAGS: Angat Dam, dam, dam status, water level, Angat Dam, dam, dam status, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.