Limang miyemrbo ng gun for hire nadakip sa operasyon ng pulis sa Caloocan City
Arestado ang umano’y limang miyembro ng gun-for-hire group na sangkot sa pagpatay sa isang negosyante sa Caloocan City.
Sa magkahiwaay na operasyon ay nadakip ng Caloocan police sa Barangay 176 ang mga suspek na sangkot sa pagpatay sa isang Eugen Borlaza.
Nabawi sa mga suspek ang samut-saring uri ng baril at bala kasama ang motorsiklong ginamit sa krimen.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Major General Guillermo Eleazar, love triangle ang isa sa mga sinisilip na motibo sa krimen.
Mahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms ang mga suspek.
Kasama na rin sa mga iniimbestigahan kaugnay ng krimen ang iba pang naging operasyon ng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.