Pangbabatikos ni Carpio, hindi nakatutulong sa mga Pilipino

By Chona Yu June 30, 2019 - 02:04 PM

Hindi nakatutulong ang mga batikos ni Senior Associate Justice Antonio Carpio para maliwangan ang taong bayan sa sigalot ng Pilipinas at China sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na makatulong, dinadagdagan lamang ni Carpio ang hindi pagkakaunawan at pagkalito ng mga Pilipino sa halip na tulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalagaan ang kaligtasan ng bayan sa pangkalahatan.

Aminado naman si Panelo na maaring matapat si Carpio sa kanyang mga batikos pero hindi lahat ng matapat na layunin ay nakatutulong.

Maari aniyang may magandang intensyon si Carpio subalit maaring masama naman ang kinararatnan ng kanyang mga batikos.

Matalino naman aniya si Carpio.

Apela ni panelo kay Carpio, huwag basahin ang probisyon ng konstitusyon na may isolation lamang sa halip ay lawakan ang pang-unawa.

TAGS: Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Senior Associate Justice Antonio Carpio, West Philippine Sea (WPS), Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Senior Associate Justice Antonio Carpio, West Philippine Sea (WPS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.