Ilang kalsada sa Maynila isasara kasunod sa panunumpa ni Isko Moreno

By Clarize Austria June 30, 2019 - 07:35 AM

Hindi madaraanan ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila alinsunod sa gaganaping panunumpa ni Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno Domagoso ngayong Linggo, June 30.

Base as abiso ng Manila Police District, sarado simula alas 7:00 ng umaga ang mga daanan sa:

– Westbound lane ng P. Burgos mula Finance Road hanggang Taft Avenue
– Northbound lane ng Taft Ave mula Ayala Boulevard hanggang N.A. Lopez.

Ang mga alternatibong ruta na itinalaga ng MPD ay:

– Mga sasakyan mula Roxas Blvd. at Bonifacio Drive na nasa eastbound lane ng P. Burgos dapat dumeretso sa Finance Rd. dumaan sa Taft Avenue papuntang Ayala Blvd

– Mga sasakyan na nasa northbound lane ng Ma. Orosa papuntang P. Burgos dapat kumanan sa Finance Rd.

– Mga sasakyan sa northbound lane ng Taft Ave. papuntang Quiapo area kumanan sa Ayala Blvd

– At ang mga nasa westbound lane ng Finance Road papuntang Quiapo area kumaliwa sa P. Burgos, kumanan Bonifacio Drive, kumanan muli sa A. Soriano, at kanan sa Magallanes Drive

TAGS: lungsod ng Maynila, Manila Police District, Mayor-elect Francisco "Isko" Moreno Domagoso, lungsod ng Maynila, Manila Police District, Mayor-elect Francisco "Isko" Moreno Domagoso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.