Comelec, ilalabas na ang listahan ng presidential candidates sa Dec. 23

By Isa Avendaño-Umali December 20, 2015 - 06:35 PM

 

Mula sa inquirer.net

Ilalabas na ng Commission on Elections o Comelec sa darating na Miyerkules (December 23) ang ‘initial list’ ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa 2016 National Polls.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, bagaman inisyal ang listahan na ilalabas, ‘more or less’ ay malapit ito sa final list ng mga kandidato.

Noong December 15, ipinagpaliban ng Comelec En Banc ang paglabas ng official list of candidates at sa halip ay ilalabas na lamang ang initial list sa December 23.

Paliwanag ng En Banc, ang delaye ay dahil marami pang pending cases laban sa mga posibleng kandidato sa halalan.

Nilinaw naman ni Bautista na ang ilalabas sa Miyerkules ay maaari pang mabago hanggang January 8, 2016.

Kabilang sa mga posibleng kandidato sa pagka-pangulo ay sina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na kapwa nahaharap sa disqualification cases.

Presidential aspirants din sina dating DILG Secretary Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay, Senadora Miriam Defensor Santiago at OFW Partylist Rep. Roy Seneres.

Target ng Comelec na masimulan ang pag-imprenta ng mga balota sa ikatlong linggo ng January 2016.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.