Umamin ang Islamic State militants na sila ang nasa likod ng pagsabog sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu kung saan walo ang namatay at 22 ang nasugatan.
Ayon sa SITE Intelligence Group na nakabase sa Estados Unidos, grupo na nagbabantay sa komunikasyon ng mga militanteng grupo sa buong mundo, naglabas ng pahayag ang IS East Asia Province na inaako nito ang dalawang suicide raid sa nasabing lugar.
Dagdag pa ng SITE, pinag-usapan ng mga Filipino Jihadists ang pag-atake sa Facebook.
Kinumpirma naman ng bagong hepe ng Armed Forces Western Command (Westmincom) na si Major General Cirilito Sobejana na dalawang tao ang nangbomba sa kampo ng 1st Brigade Combat Team (1st BCT).
Nasawi sa insidente ang tatlong sundalo at tatlong sibilyan habang 12 sundalo at 10 sibilyan ang nasugatan.
Tatlo sa mga nadamay na sibilyan ay nasa provincial hospital sa Jolo at kasalukuyang nagpapagaling.
Sinabi naman ni Major Arvin Encinas, Westmincom spokesperson, na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung sinong grupo ang nasa likod ng panggugulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.