Operator ng bus na sangkot sa aksidente sa NLEX, suspendido na
Pansamantalang ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng operator ng bus na kasama sa banggaan sa North Luzon Expressway (NLEX) Biyernes ng gabi, June 28.
Ibinigay ang preventive suspension order sa Buena Sher Transport na siyang nagmamay-ari sa Del Carmen bus matapos ang aksidente kung saan walong katao ang nasawi at 25 ang sugatan.
Kasalukuyan pa ring iniimbistigatan ang naturang pangyayari at ang pananagutan ng kumpanya ng bus.
Ayon sa LTFRB, kung napatunayang may sala ang naturang kumpanya ay maaaring makansela o bawiin ang kanilang prangkisa.
Base sa naunang imbestigasyon, isang van ang nagbagal ng takbo nang biglang sumalpok ang bus at kumaliwa ito na siyang dahilan ng pagbangga nito sa mga concrete barrier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.