$300-M loan ng Pilipinas, inaprubahan na ng World Bank

By Marlene Padiernos June 29, 2019 - 07:26 PM

Naaprubahan na ng World Bank ang $300-M loan ng Pilipinas bilang pandagdag pondo sa ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ o ‘4Ps’.

Ang nasabing loan ay gagamitin sa loob ng dalawang taon para makatulong sa pagpapaunlad sa mahihirap na pamilya sa ating bansa.

Sa ngayon ay mayroong taunang budget ang 4Ps na nagkakahalagang $1.7 billion.

Samantala, ang karagdagang pondo naman na magmumula sa World Bank ay sasagutin ang siyam na porsyento sa pondong nakalaan hanggang June 2022.

Sa ngayon ay nakikinabang na sa ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ ang 4.2 milyong pamilya kabilang na ang 8.7 milyon na mga kabataan.

 

TAGS: 'Pantawid Pamilyang Pilipino Program' o '4Ps', $300-M loan ng Pilipinas, world bank, 'Pantawid Pamilyang Pilipino Program' o '4Ps', $300-M loan ng Pilipinas, world bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.