LPA sa loob ng PAR hahatak sa Habagat

By Rhommel Balasbas June 29, 2019 - 05:50 AM

Inaasahan pa ring magiging bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa Silangan ng bansa.

Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 970 kilometro Silangan ng Juban, Sorsogon at posibleng maging bagyo na sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Sakaling mamuong bagyo ay papangalanan itong’ Egay’.

Ayon kay weather specialist Meno Mendoza, hahatakin ng sama ng panahon ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at Visayas.

Ngayong araw, dahil pa rin sa Habagat inaasahan ang mga mahihina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

TAGS: egay, low pressure area (LPA), Pagasa, egay, low pressure area (LPA), Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.