NCRPO naka full alert kasunod ng pagsabog sa Sulu
Inilagay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Metro Manila sa ilalim ng “full alert status” matapos ang pagsabog sa Indanan, Sulu araw ng Biyernes.
Ayon kay NCRPO Regional Director Major General Guillermo Eleazar, alas 6:00 Biyernes ng gabi ng itaas ang full alert sa Metro Manila.
Hakbang ito ng pulisya sa kabila ng walang bantang namomonitor sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Eleazar na makakatulong ang full alert status sa pagharang sa masasamang tao na maaaring maghasik ng gulo.
Muli namang hinimok ng pulisya ang publiko na manatiling alerto.
“Having this measure could mean of great help in deterring unscrupulous individuals in carrying out their illegal or terroristic acts…And so I highly encourage the public to remain alert and vigilant,” ani Eleazar.
Tiniyak naman ni Eleazar ang dedikasyon ng NCRPO para sa peace and order sa Metro Manila.
Hinimok din ng NCRPO ang mga mamamayan na mag-report ng insidente o kahina-hinalang tao sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers na 0915-8888-181 at 0999-9018-181.
Nasa limang katao, kabilang ang tatlong sundalo, ang nasawi habang siyam ang nasugatan sa pagsabog malapit sa kampo ng militar sa Indanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.