Quezon City nagkansela ng mga klase sa Sabado, June 29
Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga klase sa lungsod bukas Sabado June 29.
Sa anunsyo ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista Biyernes ng gabi kinansela nito ang mga klase sa lahat ng antas, sa parehong private at public schools.
Ayon sa Alkalde, ang class suspension ay dahil sa inaasahan na patuloy na pag-uulan.
Sa abiso ng Pagasa, ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Sorsogon ay inaasahang magiging ganap na bagyo sa loob ng 48 oras.
Patuloy namang makakaapekto sa Luzon at Visayas ang Habagat na magdudulot ng pag-uulan kabilang sa Metro Manila ngayong weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.