Kaso vs ex-Pang. Noynoy Aquino III ukol sa Mamasapano incident, iniatras

By Angellic Jordan June 28, 2019 - 08:23 PM

Iniatras ng Office of the Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ito ay kaugnay sa pagkamatay ang 44 miyembro ng Special Action Forces (SAF) sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Sa dalawang pahinang resolusyon na inilabas noong June 24, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na walang nakitang sufficient ground at ebidensya para kasuhan si Aquino ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Official Functions sa ilalim ng Revised Penal Code.

Ayon kay Martires, ang desisyon ay ibinatay matapos ang isinagawang pag-review sa Ombudsman Resolutions noong June 2017 at September 2017 kung saan na-dismiss ang reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kay Aquino at kina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating SAF chief Getulio Napeñas.

Gayunman, nilinaw nito na hindi pa tuluyang abswelto si Aquino.

TAGS: Anti Graft and Corrupt Practices Act, Noynoy Aquino III, ombudsman, Ombudsman Samuel Martires, Usurpation of Official Functions, Anti Graft and Corrupt Practices Act, Noynoy Aquino III, ombudsman, Ombudsman Samuel Martires, Usurpation of Official Functions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.