Pekeng Korean film maker, arestado sa Pampanga

By Ricky Brozas June 28, 2019 - 05:30 PM

Contributed Photo

Arestado ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga ang isang Korean national na wanted sa Seoul dahil sa kasong swindling na nakapambiktima ng mga kapwa nito Koreans at nakatangay ng mahigit sa 200 million won para sa pekeng movie project.

Ayon kay BI intelligence officer Bobby Raquepo, chief of the bureau’s fugitive search unit (FSU), naaresto ang 38-year-old na Koreanong si Kim Woo sa Bgy. Balibago, Angeles City.

Inaresto si Kim sa bisa ng mission order mula sa Immiggion Commissioner base na rin sa request ng Korean embassy sa Manila.

Ayon kay Raquepo, halos isang taong nagtago sa bansa si Kim at isa nang undocumented alien matapos kanselahin ng Korean government ang pasaporte nito.

May kinakaharap na arrest warrant si Kim at kasama rin siya sa red notice ng Interpol.

Natangay umano ni Kim ang 129 million won mula sa mga biktima nito na hiniraman niya ng pera para matapos ang idini-direk nitong pelikula.

Akusado rin si Kim sa pagtangay ng 107 million won mula sa mga naging biktima nito na hinikayat niyang maglagak ng investment sa isang negosyo.

TAGS: arestado sa Pampanga, Pekeng Korean Film maker, wanted din sa Seoul ang suspek., arestado sa Pampanga, Pekeng Korean Film maker, wanted din sa Seoul ang suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.