Magnitude 3.4 na lindol naitala sa Agusan del Sur
By Angellic Jordan June 28, 2019 - 04:45 PM
Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Agusan del Sur, Biyernes ng hapon.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 12 kilometers Southwest ng Rosario bandang 3:04 ng hapon.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.