Velasco binuking ni Pang. Duterte; term-sharing, totoo

By Erwin Aguilon June 28, 2019 - 04:00 PM

Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng kasunduan sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig Rep. Allan Peter Cayetano nanindigan ang una na walang ganitong kasunduan.

Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi nito na walang anumang sinabi si Pangulong Duterte na term-sharing.

Ang malinaw anya ay ang pahayag ng pangulo na hindi siya makikialam sa isyu ng speakership race sapagkat kanya na itong ipinauubaya sa mga miyembro ng Kamara.

Unang kinumpirma ni Cayetano ang konsepto ng term-sharing upang maresolba ang gusot sa Speakership, sinang ayunan umano ng magkabilang panig at inaprubahan ni Pangulong Duterte subalit kalaunan ay umatras si Velasco.

Sa isang ambush interview, idinetalye ni Pangulong Duterte ang katotohanan at kung kung paano siya nilapitan sa kanyang kwarto sa Japan nina Cayetano at Velasco kung saan natalakay at napagkasunduan ang term-sharing kung saan mauupo si Cayetano ng 15 buwan at ang susunod na 21 buwan ay kay Velasco.

Hati naman ang mga mambabatas sa isyu ng term-sharing, may ilan ang tutol dito dahil na rin sa usapin ng stability ng Kamara ngunit may ilan na pabor lalo at inexperience si Velasco para pamunuan ang 3 taong buong termino.

Naniniwala din ang political analyst na si Ranjit Rye na term sharing ang sagot sa isyu sa Speakership sapagkat maaaring magresulta sa pagkahati-hati ng partido kung ipipilit na mamili sa pagitan nina Velasco at Cayetano na kapwa may mga kaalyadong kongresista.

TAGS: House Speakership race, Pangulong Duterte, Rep. Cayetano, Rep. Velasco, term sharing, House Speakership race, Pangulong Duterte, Rep. Cayetano, Rep. Velasco, term sharing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.