Thunderstorm advisory sa Metro Manila, Cavite at Laguna inilabas ng PAGASA

By Angellic Jordan June 28, 2019 - 01:15 PM

Makararanas ng katamtaman hanggang sa mabigat ng buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Cavite at Laguna.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:48 ng tanghali, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nasabing lugar, mararamdaman din ang sama ng panahon sa Cardona, Angono, Taytay at Cainta sa Rizal.

Sinabi ng PAGASA na maaari ring maapektuhan ng sama ng panahon ang mga kalapit na lugar.

Nag-abiso naman ang weather bureau sa mga residente ng mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.

TAGS: cavite, laguna, Metro Manila, Pagasa, Thunderstorm adcisory, cavite, laguna, Metro Manila, Pagasa, Thunderstorm adcisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.