Basurang ibinalik ng Pilipinas sa Canada, darating sa katapusan ng linggo

By Clarize Austria June 27, 2019 - 07:29 PM

Inaasahang darating na sa Canada ang barkong may lulan ng 69 containers ng mga basurang ibinalik ng Pilipinas ngayong weekend.

Ito ay matapos manatili ang mga naturang basura sa Manila Port ng halos kalahating dekada.

Ayon kay Canadian Ambassador John Holmes, dadaong ang MV Bavaria sa Port of Vancouver sa Canada bandang 1:00, Sabado ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Ang cargo ship na ito ay umalis sa Subic Bay noong May 31 base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isauli ang mga basura sa Canada.

Ang 69 containers na ito ay ang mga naiwan mula sa 103 containers na may bigat na 2,500 tonelada na dinala ng Chronice Plastic Inc. sa Pilipinas noong 2014 at 2015.

Nai-dispose na ng Bureau of Customs (BOC) ang 34 pang containers na sinabing “recyclable plastic scraps.”

Tinitignan naman ng Manila Regional Trial Court ang mga maaring naging paglabag ng naturang kumpanya at brokers na sangkot sa pag-aangkat ng mga basurang ito.

TAGS: Basura, canada, Canadian Ambassador John Holmes, MV Bavaria, Port of Vancouver, Basura, canada, Canadian Ambassador John Holmes, MV Bavaria, Port of Vancouver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.